Anong Hayop Nga Na Bilong Sa Pet Animals

Anong hayop nga na bilong sa pet animals

Ang mga hayop na nabibilang sa "pets" ay ang mga hayop na madaling i-domesticate. Ang ibig sabihin ng domesticate ay amuhin at sanayin sa presensya ng mga tao.

Ang mga hayop gaya ng aso, pusa, at mga ibon na tulad ng love birds ay maaaring gawing mga pets. Sila ay maaaring masanay sa presensya ng mga tao. Sa kabilang banda naman, ang mga hayop na di pwedeng gawing pets ay ang mga hayop na mabagsik ang natural na ugali. Nabibilang dito ang mga malalaking hayop sa gubat gaya ng unggoy, agila, tigre, leon, atbp.

Importanteng tandaan na hindi porke naamo na ang hayop ay hindi na ito maaaaring makasakit. Ang mga aso at pusa ay maaaring mangagat kapag sila ay natakot o nairita. Nakalista sa baba ang paraan para mapanatili ang amo sa mga hayop.

  • Huwag itali ang alagang aso at pusa. Hayaan lamang sila na nag-iikot sa bakuran o di kaya ay sa loob ng bahay. Itali lamang sila kapag isasama silang maglakad sa parke.
  • Pakainin ang alaga nang tama sa oras. Ang mga hayop, gaya ng tao, ay nagugutom din. Nababago din nito ang kanilang ugali. Ang gutom na hayop ay mas mabangis at mas madaling mairita.
  • Panatilihing malinis ang kanilang bahay/tinutulugan. Ang mga hayop ay mas gusto ang natutulog sa malinis na higaan. Naiiwasan nilang magkasakit pag malinis ang kanilang tinutuluyang bahay.

Iwasan din ang pagmamalupit sa mga hayop o animal cruelty. May batas na nagbabawal sa pagmamalupit sa mga hayop (RA 10631: Animal welfare act) at maaaring mapatawan ng karampatang kaparusahan ang sinomang lalabag dito.

Para sa karagdagang kaalaman sa mga alagang hayop, maaaring magtungo sa mga link sa ibaba.

brainly.ph/question/1632809

brainly.ph/question/385182

brainly.ph/question/2092432


Comments

Popular posts from this blog

Explain One Cultural View Of Relationships.

"Ano Ang Sinasabi Ng Teorya Ni Maslow, The Heirarchy Of Needs Tungkol Sa Pera?A. Ang Pera Ay Nagsisilbing Pantulong Sa Araw-Araw Na Kailangan.B. Ang P