Bakit Balisang Balisa Si Ibarra Nang Dumating Sa Kaniyang Tinutuluyan
Bakit balisang balisa si ibarra nang dumating sa kaniyang tinutuluyan
Noli Me Tangere
Kabanata 5: Pangarap sa Gabing Madilim
Balisang balisa si Ibarra nang dumating sa kanyang tinutuluyan sapagkat pilit na sumisiksik sa isipan niya ang mga bagay na narinig niya mula sa kapitan ukol sa mga naging karanasan ng kanyang ama habang ito ay nakapiit. Pilit niyang hinahanapan ng paliwanag ang mga pangyayari sa loob ng piitan. Hindi niya lubos maisip na ang isang tao na tulad ng kanyang ama na makatwiran at mabuti sa iba ay magiging laman ng piitan. Ang masakit pa nito wala siyang nagawa para sa ama noong mga panahon na kailangan nito ng karamay.
Ang panghihinayang at pangungulila sa ama ang siyang namamayani sa puso ni Ibarra ng gabing iyon kaya hindi na niya magawa na makipagsaya sa kasintahan at sa iba pang naroroon. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagpapaalis sa bangkay ng kanyang ama sa libingan ng San Diego upang ipalipat ito sa libingan ng mga intsik. Bagay na labis na nakapang iinsulto sa ama sapagkat siya ay isang mabuti at makatwirang tao. Para kay Ibarra, hindi sapat tama ang naging hatol sa kanyang ama na ininda nito kaya naman ito ay binawian ng buhay bago pa makalabas ng kulungan at ideklara na inosente o malinis ang kanyang pangalan.
Read more on
Comments
Post a Comment