Halimbawa Ng Isang Tula Na Malaya

Halimbawa ng isang tula na malaya

ito ay isa lamang sa mga natatanging halimbawa ng mga malalayang tula:

LUPA

lupa, narito ang lupa!

ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad

na makapal ay iyong timbangin at madarama

mo ang buong sinukob. diyan nakatanim ang

ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing

ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas

na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok. ang

halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

sa maraming mata ang magandang tampok.

nag-iwan ng sugat ang maraming daan.

dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,

gaputok mang daing ay di mo naringgan.

ang pasalubong pa'y malugod na bating —

"tuloy, kabihasnan!"

lupa, narito ang lupa!

ang buhay mong hiram ay diyan nagmulang

bigay-bawi lamang. sa mayamang dibdib:

diyan napahasik ang punla ng buhay na

kusang susupling sa pitak ng iyong hirap

at paggawa. katawang-lupa ka. narito

ang lupang karugtong ng iyong buhay at

pag-asa. dibdib. puso. bait. ang katauhan

mo'y lupa ang nagbigay. ang kasiyahan mo,

tamis ng pag-ibig at kadakilaan.

sapagka't lupa ka, katawang-lupa ka —

ganito ring lupa. diyan ang wakas

mong galing —

sa simula!


Comments

Popular posts from this blog

Anong Hayop Nga Na Bilong Sa Pet Animals

Explain One Cultural View Of Relationships.

Ano Ang Pang-Uring Panlarawan