Kaliguran Kasaysayan Ng Mitholohiya

Kaliguran kasaysayan ng mitholohiya

Answer:

inasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng paliwanag sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya.  Bilang kasagutan sa mga katanungang iyon, sila'y lumilikha ng diyos at diyosa na kumakatawan sa talino, ganda at pag-ibig.  Ang mga diyos at diyosa ay nagiging tao ngunit nagtataglay ng kapangyarihang mala-bathala.

Ang mitolohiya ay isang uri ng malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa.  Maraming mga salita na buhat sa mitolohiya ang kasama sa ating pang-araw-araw na pagsasalita, lalung-lalo na sa propaganda.  Ang goma ay na-volcanize, ang tao ay mapagsuring tulad ni Pandora, ang mga rocket ay pinapangalanang Jupiter, Titan, at Apollo.  Lalong mauunawaan ang arkitektura, pintura at musika kung nababatid natin ang mitolohiyang Griyego at Romano.

Ang mga bata na nagsisimulang magtanong kung saan nanggaling ang daigdig at ang buhay ay magkakahilig din sa kuwento ng mitolohiya.  Ang mga batang handa sa ganitong uri ng kuwento ay magkakaroon ng kabatiran sa ibang paniniwala ng ibang tao.

Si Prometheus ay siyang nagbigay ng apoy sa mga tao.  Si Pandora dahil sa pagiging mausisa ay nagpakalat ng kasamaan sa daigdig.  Si Apollo na sumakay sa tibuling araw at naglakbay sa kalangitan.  Si Proserpina ay kailangang tumigil ng anim na buwan sa ilalim ng daigdig.  At si Haring Midas na nagnais maging ginto ang bawat hawakan.  Ang mga tauhang nabanggit ay kailangang makilala ng mga bata sa mababang paaralan.  Kailangang mabatid nila ang kaugnayan ng mga diyos at diyosa sa mitolohiyang Griyego at Romano.

Mabubuting Ispiritu sa Mitolohiyang Pilipino

Patianak

Taga-tanod sa lupa

Mamanjig

Nangingiliti ng mga bata

Limbang

Taga-tanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa

Masasamang Ispiritu sa Mitolohiyang Pilipino

Tiktik

Ibong kasama ng aswang

Tanggal

Matandang babaing sumisipsip ng dugo ng sanggol, sa kanyang paglalakbay iniiwan niya ang kalahati ng kanyang katawan.

Tama-tama

Maliliit na tao na kumukurot sa sanggol

Kapre

Maitim na higante at may tabako

Salot

Nagsasabog ng sakit

Diyosa sa Mitolohiyang Pilipino

Bathala o abba

Pangunahing diyos

Idionale

Diyos ng mabuting gawain

Anion tabo

Diyosa ng hangin at ulan

Apolaki

Diyos ng digmaan

Hanan

Diyos ng mabuting pag-aani

Mapolan masalanta

Patron ng mangingibig

Libongan

Nagtatanod sa pagsilang sa isang buhay

Libugan

Ang nangangasiwa sa pag-aasawa

Limoan

Ang nangangasiwa kung paano mamamatay

Tala

Diyosa ng pang-umagang bituin

Diyos at diyosa sa Mitolohiyang Griyego at Romano

Zeus (Jupiter)

Pinakadakila sa lahat, hari ng langit

Hera (Juno)

Asawa ni Zeus, diyosa ng kababaihan at pangkasalan

Athena (Minerva)

Diyosa ng karunungan

Aphrodite (Venus)

Diyosa ng pag-ibig at kagandahan

Eros (Cupid)

Diyos ng pag-ibig

Artemis (Diana)

Diyosa ng buwan at dakilang mangangaso

Apollo (Phoebus)

Diyos ng araw

Poseidon (Neptune)

Diyos ng karagatan

Hades (Pluto)

Diyos ng kadiliman

Dionysius (Bacchus)

Diyos ng alak at pag-aani

Hermes (Mercury)

Mensahero ng mga diyos at diyosa

Hepaestus (Vulcan)

Diyos ng apoy

Ares (Mars)

Diyos ng digmaan

Persephone (Proserfina)

Diyos ng tagsibol

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

Anong Hayop Nga Na Bilong Sa Pet Animals

Explain One Cultural View Of Relationships.

"Ano Ang Sinasabi Ng Teorya Ni Maslow, The Heirarchy Of Needs Tungkol Sa Pera?A. Ang Pera Ay Nagsisilbing Pantulong Sa Araw-Araw Na Kailangan.B. Ang P